Taksil na Tadhana (Final Chapter)
By: Balderic
Isang linggo ang nakalipas simula nung sagutin ako ni Kim. At isang linggong pag ibig na rin ang aming pinagsaluhan. Masaya ako bawat araw. Lagi akong naka ngiti pag gising sa umaga. Nakaka kilig talaga pag ang taong mahal mo ay alam mong mahal ka rin. Si Kim na ngayon ang buhay ko. Ang dati kong masalimuot at madilim na mundo ay ngayon mas maliwanag pa sa sikat ng araw sa tanghali.
Madalas na kaming mag usap ni Kim, sa personal man o sa text. Hinde man kami schoolmates, ay nagkakaroon parin kami ng time para mag kita. Hinde naman araw araw pero syempre nakaka excite lang talaga kung madalas ko syang makita.
Nung una ko syang makita, akala ko ay masungit sya. Yun pala isa lang syang dalagang takot magtiwala at mag mahal. Subalit napa ibig ko sya at ngayon ay sinusuklian naman nya ito ng kanyang pagmamahal sakin.
Nasa school ako isang araw at tumatambay sa may mini park ng eskwelahan. Narinig kong nag ring ang cellphone ko. Kinuha ko to at sinagot.
“Oh ate Danica napatawag ka? “
“Hello, kamusta ang bagong pag ibig? “
“Hehe okay lang ate. Malaki utang na loob ko sa inyong dalawa ni kuya David.”
“Haha nag kukuya ka na sa kanya ha. Well happy ako for you bro! I know Kim, matino syang babae at di ka nya lolokohin. At alam ko ring swerte nya sayo dahil tapat ka kung mag mahal.”
“Naks si ate nag dadrama hahaha.”
“Sira! Hehe ui sya nga pala, tumawag sakin si uncle sa isang buwan na raw ang kasal nila ni Coleen.”