//end popup

Saturday, February 16, 2013

Condo Book 2 (Part 25)

Pinagbuklod na mga Arkitekto ng Pilipinas

Tahimik kaming naghapunan linggo ng gabi, salu-salo naming kinain ang nilutong ulam ng aking hipag. Bihirang magluto ang kapatid ng aking asawa, pero napakasarap naman talaga nito, swerte talaga ang makakabihag ng kanyang puso. Dahil sa maliit at pang apatan lamang ang aming lamesa, minarapat nang tatlong dalaga na sa sala na lamang maghapunan. Kami naman ng aking asawa ay pigil ang mga ngiti dahil alam naming narinig nila ang aming mainit na pagtatalik kanina lamang tanghali. Kung sa aking asawa ay ayos lamang o trip nya lang ito ay ok na din sa akin.

"babe di ka ba pwede talaga bukas?" patungkol ko sa aming nalalapit na pagtitipon, pagtitipon ng mga arkitekto.

"pang gabi ako bukas babe e, hayaan mo na sa susunod nalang" wika naman niya.

Gusto ko sanang makasama ang aking asawa, alam ko kasing may mga bigtime na kasabayan ko sa board exam ang naroon. Marami silang project, mayaman na sa ngayon, pero kung kasama ko naman ang aking asawa ay walang silbi ang mga pera nila. Tiyak na mababali ang mga leeg ng mga kasamahan kong arkitekto pag nakita nila ang aking asawa. Lalo pa't kung manamit ang aking misis sa mga pormal na pagtitipon ay talagang parang pang famas.

"si Kat nalang isama mo? o kaya pati yang mga dalaga haha!" biro pa ng aking asawa.

Alam naman niya na pinangangalandakan ko ang kanyang kagandahan at kaseksihan sa iba, pagmamayabang kung baga.

"e baka pagod na sa duty yan, saka yung dalawa kung sakali man e may pasok na haha!" biro ko din.

Napagdesisyunan ko na ako na lang ang pupuntang mag-isa. Obligado kasi akong dumalo dahil sa kukuhaning certificate na kinakailangan at obligadong ipakita sa mga pinipirmihan kong mga dokumento at plano para sa gobyerno.

Mabilis natapos ang gabi, nagtulong ang tatlong dalaga na ligpitin ang mga pinagkainan at maaga ding nagpaalam dahil sa simula na nga ng pasukan bukas. Hindi naman namin din pinalagpas ang gabi na ganun nalang. Matapos kasing makatulog ng aming anak ay nagsama-sama kaming tatlo ng aking asawa at ng kanyang kapatid sa sala. Sa ibabaw ng aming makasaysayang sofa namin isinagawa ang muling pagtatalik ng tatluhan. Hiling ko na din ito sa aking asawa dahil matagal na din kaming hindi nagsasabay magkantutan, kadalasan kasi ay kung wala ang aking asawa, kami ni Kat ang nasa kama.

Kinabukasan ay dumaan muna ako sa aming opisina bago dumiretso sa aming convention. Maghapong event ito, seminar sa umaga, workshop sa hapon, at sa gabi naman ay sosyalan. Tanghali pa lang ay nagmasid na ako sa aming mga kasama. Hindi kasi ako nakadalo noong mga nakalipas na taon, lalo na noong ako'y napadpad sa Singapore. Iba't ibang mukha na, iilan na lang ang matagal ko nang nakasabayan dito sa aming chapter pero hindi naman ako na out-of-place dahil iisa lang naman ang aming industriya. May ilang mga bagong salta, mga bagong pasa noong nakalipas na board exams. Siguro ay may halos isang daan ang miyembro namin sa aking tantsa, pagsapit ng gabi ay may "bikini open" pa. Natural na ito sa mga pagtitipong ganito lalo na kapag ang presidente ay single at may pagkamanyak talaga. Umaarkila ang mga officers ng aming chapter ng mga modelo upang maging show sa gabi ng salu-salo. Wala namang magawa ang mga kababaihang miyembro, mas madami kasi ang mga lalake sa aming industriya at marahil ay sanay na sila.

"Bogart! dito ka pa rin pala!" bati ng isang arkitektong ka-batch ko din na nakapasa.

"oo di ko maiwan ang chapter na to, dito yata ako namulat sa gaya nito haha!" biro ko pa sa mga rumarampang mga modelo.

Noong nagtatrabaho pa kasi ako dito sa Makati at ako'y naging ganap na lisensyadong arkitekto ay dito na ako sumapi. Pero dahil sa pangangailangan, napilitan akong mag-abroad at ngayon naman ay nalipat na ako sa Ortigas.

Ilang alak din ang nakahain noong gabing iyon, may mga hard drinks na gaya ng ininom namin nila Regina at Vanessa kahapon lang. Pero dahil sa ayokong malasing ay pinili ko nalang ang aking paboritong malamig na sanmig lights.

"mag isa ka yata architect Bogs?" wika ng isang babae sa aking likuran habang kami ay nagkukwentuhan ng isa pang kasamahan.

Tila time machine ang aking napuntahan, muling bumalik ang nakaraan nang marinig ko ang tinig na pamilyar. Hindi pa naman ako lasing at nagsisimula pa lamang ubusin ang isang bote ng beer na aking hawak. Lumingon ako kung saan naroon ang tinig ng isang babae. Napaliit pa ang aking mga mata sa pagtitig ko sa babaeng tumawag sa akin. Pilit kong inungkat ang aking memorya kung saan ko siya nakita o nakasalamuha. Ilang saglit din ang lumipas bago ako nakasagot at ma-realize na ang babae palang kumausap sa akin ay naging parte ng aking makulay na pagkabinata.

"tol? are you ok? haha! ako to!" pabiro pang wika ni Sam.

Hindi ko inaasahan ang pagkakataong iyon. Si Samantha ang aking nakita, actually siya ang nakakita sa akin. Hindi ko inaasahang dito pa rin pala siya nakasapi. Ang huling balita ko kasi sa kanya mula noong ako'y lumisan sa dati naming kumpanya ay lumipat na din siya sa Caloocan kung saan naroon ang kanilang tirahan.

"oh Sam tol! hi! I wasn't expecting you here! kumusta kana tol?" masaya kong bati sa aking matalik na kaibigan noong ako'y dito pa sa Makati naninilbihan.

"hihi! dito naman ako talaga diba? ikaw nga nawalang bigla! o ano na balita sayo tol?" tanong pa niya sa akin.

Ang tinutukoy na bigla kong pagkawala ay ang pag-alis ko ng ating bansa upang magtungo sa Singapore. Hindi pa din pala nilisan ni Sam ang Makati, kapwa ito ang aming Alma Mater sa aming prupesyunal na antas ng buhay. Pinagmasdan ko ang aking ex-officemate at minsan isang naging matalik kong kaibigan. Bakit matalik? kasi kami dati ay nagtalik.

Ikinwento ko ang mga hindi na nasubaybayang bahagi ng aking buhay sa kanya. Alam din niya kasi ang tungkol sa amin ni Angel, kung paano kami nagkakilala. Nabigla din siya nang sabihin kong nagpakasal na ako sa kanya at may isa na kaming anak. Ang akala kasi ng aking kaibigang si Samantha ay habambuhay na akong mapaglaro sa mga kauri niya. Ganun din naman daw siya, dahil sa magka-edad kami ay lumagay na din siya sa tahimik, pero wala pa daw silang anak ng kanyang napangasawang teacher sa isang high school sa kanilang lugar sa Monumento.

"wow Bogs tol, i wasn't really expecting you here! grabe tumaba ka ha! hihi!" bati pa sa akin ni Samantha.

"bakit di mo kasama hubby mo?" tanong ko naman sa aking dating kasamahan.

"naku, sya lang yata ang teacher na mahiyain! parang di daw siya kasi maka-jump in sa mga colleague natin" paliwanag naman niya.

"e ikaw? nasaan na si ano, si Angel ba yun?" tanong naman niya sa akin.

Naging makabuluhan ang aking gabi, bukod sa pagkikita namin ay hindi rin naman namin naisangtabi ang aming nakaraan. Hindi ko naman kaagad naibalik ang aking pagnanasa sa kanya, sa ilang taong lumipas kasi na hindi kami nagkita o nagusap man lang ay parang ibang iba na siya talaga. Ang mala-tomboy na attire niya lagi noon sa aming lumang opisina ay wala na ngayon. Hindi na maikakailang ang ilang kalalakihan sa loob ng bulwagan ay napapatingin talaga sa aking kasama. Hindi na rin siya gaanong taklesang magsalita, finesse na ika nga. Nararapat naman talaga ito bilang isang prupesyunal.

Sa gitna ng kasiyahan ay hindi ko rin namang maiwasang muling maibalik ang aming nakaraan. Hindi ko naging kasintahan si Sam, siya ang naging ka-batch ko nuong kami'y nag-aaprentice pa lamang bilang paghahanda upang maging isang lisensyadong arkitekto. Ganunpaman, ang isang katangian ko kung bakit hindi ako malimot ni Samantha ay ang dahilang ako ang nakauna sa kanya. Oo, sa akin isinuko ni Samantha ang Bataan. Sa akin niya ipinagkatiwala ang isang bagay na sa kasal lamang iniaalay. Si Samantha din ang naging aking takbuhan noong ako'y nasa kasawiang palad sa pag-ibig.

Hindi naman nailang si Sam sa aming usapan kahit na ako na mismo ang nagbukas nito upang aming pag-usapan. Ganoon naman talaga ang ginagawa sa mga reunion, ang balikan ang mga matatamis na nakaraan.

"syempre naman, ikaw yata nakauna dito haha!" wika pa niya patungkol sa aming naiwang samahan na di raw niya malilimutan.

Niyaya ko si Samantha sa bar at inalok ko siya ng inuming pang kababaihan. Malugod naman niya itong tinanggap kahit na alam kong di siya ganoon kalakas uminom, sa alak kasi siya namulat sa kalaswaan.

"so saan ka nakapasok ngayon?" pagbaling ko ng paksa.

"ah private practice na lang, ayaw kasing magtrabaho pa ako ng asawa ko" sagot naman niya.

"kumusta kana tol?" seryoso niyang tanong ilang saglit ang nakalipas.

Dito ko muling napagmasdan ang makinis na pisngi ng aking kaibigan. Mas pumuti na siya kumpara noong kami'y magkasama pa, siguro'y dahil na rin sa hindi na siya madalas lumabas.

"eto, the same Bogart na kilala mo" sagot ko naman.

"hihi! the same pa din ba yan?" sabay nguso niya sa aking ibaba.

Pilya pa rin ang aking kaibigan. Ganito din naman kami kahit noon pa, kahit na ngayong mga arkitekto na kami ay walang nagbago sa aming samahan. Napapatingin pa nga ang ilang matatandang kasama namin noon sa loob sa aming mga galaw. Tila kasi kami ang magkapartner noong gabing iyon.

"oo naman pareho pa rin haha! gusto mo i-check?" sagot ko pa.

"ulul ka talaga! haha! manyakis ka pa rin! hihi!" biro pa niya.

Hindi naman ako lasing, ilang bote pa lamang ng aking serbesa ang aking nauubos. Ngunit tila bumabalik na ang aking pagnanasa sa kanya. Hindi pa rin nagbago ang katawan niya, nito ko lang naispatan na parang mas nagkaroon pa ng hubog ang kanyang katawan. Mukhang magaling mag-alaga ang kanyang napangasawa. Mabait itong si Samantha, minsan ay naituring ko din siyang aking FUBU. Lalo na noong nadistino kami sa Tagaytay, kung saan ang bawat gabing malamig ay aming pinagsaluhan. Hindi ito ikinakahiya ng aking kaibigan, kagustuhan namin ang mga naganap noong aming kabataan. Pero bilang ganap nang pamilyadong tao, kapwa tali na sa aming mga kapareho, ay parang mas "exciting" pa ang dating sa akin. Mas nakakagalak na magkitang muli kami lalo pa't alam kong ako ang nakauna sa kanya. Alam kong hindi niya ito mabubura sa kanyang memorya at maaari pang maging daan upang ako'y kanyang pahalagahan.

"tol, nirenovate na pala yung paboritong tambayan natin ah?" wika pa ni Sam.

Akala ko ay ang iniinuman namin dati sa may buendia, hindi pala.

"kunyari ka pa! yung paborito mong SOGO! haha!" nahiya naman ako sa sinabi niyang iyon.

Nakalimutan naming marami nga palang tao dito sa loob ng bulwagan kung saan ginaganap ang aming taunang convention. Parang bumalik ang nakaraan, bumalik sa aking alaala ang mga lumipas na taon ng aking pagkabinata.

"nakuha mo na ba certificate mo?" tanong pa niya sa akin.

"hindi pa nga e, yun nalang hinihintay ko" wika ko naman.

"tapos?" pahabil niyang tanong.

"tapos ano? san ka na pupunta niyan?" tanong niya na parang may ibang kahulugan.

Matagal ako bago muling nakapagsalita at nakasagot sa kanyang mahiwagang tanong. Siya na mismo ang nagsimulang manukso, na epektibo naman sa akin.

"halika, close naman kami ng secretary natin, kuhanin na natin yung sa atin" wika ni Samantha at nagtungo kami sa aming secretary upang i-release na ang aming certificate.

Maaga pa lang noon, katatapos pa lang yata ng hapunan. Nagtagumpay naman siya sa kanyang pakay at nakuha na nga namin ang importanteng parte ng gabing iyon.

"so uuwi kana?" tanong niyang muli.

"ha? eh, uhm..." pautal kong naisagot.

"hindi ka parin talaga nagbabago Bogart! haha! mabagal ka pa ring mag-isip!" biro pa niya.

Naroon nang alam kong may gusto siyang maganap, pero nagdadalawang isip ako kung ano ang aking gagawin. Alam ko sa aking sarili na na-miss ko din siya, pero iba na ang aming estado ngayon. Parehas na kaming arkitekto at pamilyado, ganun din na baka hanapin ako ng aking hipag dahil ibinilin ako sa kanya ng aking asawa.

"ikaw? uuwi ka na ba? ihahatid na kita" ...isang maginoong naisagot ko sa kanya.

itutuloy...

2 comments:

Anonymous said...

Thank you :) More :) Love this CONDO

bonay said...

tindi talaga ni pareng bogs..! animal sa babae! thanks sa update..!