by TAKANASHI
Introduction
Sabi ng karamihan, If you really love a certain person, You need to learn
how to LOVE them unconditionally. Yung tipong tanggap mo ang mga
katangian niya, ugali niya at ang mga KAMALIAN niya. Pero paano mo nga
ba masasabe na tama pa din ang pag-ibig mo sa kanya? Lalo na kung alam
mong nasasaktan ka na? How can you say that ENOUGH is ENOUGH?
Ang kwentong ito ay tungkol sa Mag-Asawang nagngangalang RYAN at CARLA,
at ang mga taong darating sa buhay nila na magdudulot ng saya, lungkot
at ligaya. Masusubukan ang kanilang pagmamahalan dahil na din sa mga
taong ito.
Childhood Sweerthearts sina RYAN at CARLA. pareho ng ugali. tahimik,
pala-aral. matino at naniniwala sa isang disenteng buhay na kaya nilang
makamit basta't may pagsisikap. Simulan natin sa kanilang pisikal na
kaanyuan.
Si RYAN ay gwapo, matangkad, maputi, sa maiksing salita, MEZTIZO ang
ating bida, nakuha niya ito marahil sa side ng kanyang ina na may lahing
pranses, habulin ng mga babae at binabae si ryan ngunit wala ito sa
kanya, dahil ang puso niya ay nakalaan sa nag-iisang babae na kanyang
naging matalik na kaibigan mula pagkabata at ito ay si CARLA. Si RYAN ay
Bunso sa dalawang magkakapatid. Ang kanyang mga magulang ay naka-base
na sa europa. Wala namang problema sa buhay ang pamilya ni RYAN,
Lumalaki sila ng kuya niyang si Rafael na mayaman at sila ay inaalagaan
ng kanilang tiyuhin na si Uncle Fred, Umalis lamang si Rafael, ang kuya
niya para ipagpatuloy ang pag-aaral sa Europa para samahan na din ang
mga magulang nila doon, habang sadyang pinili ni Ryan dito sa pilipinas
magtapos para na din sa tanging minamahal niyang si Carla. Maginhawa man
ang buhay nila ngunit hindi ito naging dahilan para maging tamad sa pag-aaral si RYAN bagkus naging consistent honor student pa ito at naging Cum Laude pa ng College.
Si CARLA naman ay lumaki sa isang pamilyang may-kaya din nguniy di
kasing yaman ng pamilya ni Ryan. Maputi, Chinita, Mahubog ang Katawan at
mistulang Crush ng Bayan si Carla. Siya ang nag-iisang anak
ng kanyang mga magulang, Ang mga ito ay nagtatrabaho sa business na
itinatag ni Uncle Fred kaya nga talagang halatang halata na para nhg
isang malaking pamilya ang mga ito kahit di pa kinakasal ang dalawa. Mas
matanda lamang ng isang taon si Ryan kay Carla at magkaiba sila ng
kurso sa Kolehiyo. Nursing ang pinili ni Carla at Management
naman ang napili ni Ryan. Tila isa silang match made in heaven,
soulmates or destiny nila ang isa't isa. Lahat halos ng mga tao ay
tuwang tuwa sa kanila at naiinspire pa nga sa love story nila.
Part 1 Ang Kasal
Kinasal ang dalawa pagkatapos ng Graduation ni Ryan. Ito kase ang
pangako nila sa isa't isa nuon pa nung highschool pa lang sila. Ang
kasal ay magarbo, present ang lahat ng kamag-anak nila, Maliban lang kay
Rafael na medyo nagkaproblema raw ang booking
ng kanyang flight. Umuwi naman ng pinas ang mga magulang ni Ryan.
Present din sa kasal ang bestfriend ni Carla na si Alexa at di nito
maitago ang mapaluha habang kinakasal ang bestfriend nito. Di lang sa
magkasingganda ang dalawang ito, pareho pa ng ugali. Kabatch nga lang at
ka-course ni Alexa si Ryan kaya di masyadong pareho ang career path
nilang dalawa. Present din ang mga kaklase nila mula grade school til
college.
Alexa: Nako bessie(bstriend)!!! I'm so happy for the both of you! grabe, di ko nga mapigilang umiyak eh.
Carla: Thank you bessie at di mo talaga kami inindyan sa kasal di gaya ng kuya ni Ryan. hahaha
Alexa: hahaha. syempre, di ako mawawala sa importanteng araw ng buhay niyong dalawa noh? asan ba si rafael?
Ryan: Ayun, nagkaproblema ang flight ata. dont worry, may pambawe naman na yun samin eh... excited na ko.
Carla: Hahaha, ako din nga eh. Teka ikaw ba bessie, kelan kasal mo?
Alexa: nako, hanap pa muna ako ng KAGAYA NI RYAN bago ako magpakasal Hahaha
Carla: HMMM, Mahihirapan kang humanap ng kagaya ni Ryan ko.
Ryan: Si kuya rafael na lang kase syotain mo alexa, para maging hipag kita, tama ba?
Alexa: hmp! ayoko ng bad boy at chick boy na gaya ng kuya mo.
Ryan: ganun ba, goodluck na lang sa paghahanap mo kung ganon.
Tila isang wedding of the year ang naganap sa kanilang bayan. at lahat
ng tao ay alam iyon at sila ay tinutukso pa na gumawa na ng mga babies
param aikalat ang kanilang lahi. ang bagong kasal naman ay puro lamang
ngiti kapag sila ay nabibiro ng ganun. May pangako kase ang dalawa sa
isa't isa tungkol sa paggawa ng pamilya nal ingid sa kaalaman ng lahat.
Masayang natapos ang reception at naghanda na ang dalawa para sa
kanilang flight papunta sa isang bansa sa Europe. Sagot ito ng Kuya ni
Ryan bilang pambawe sa di niya pagdating sa Kasal nila ryan at carla.
Kaya imbes na maghoneymoon ang dalawa, excited silang nagbukas ng mga
regalo at nag-ayos na ng mga bagahe para sa kanilang flight kinabukasan.
No comments:
Post a Comment