CHAPTER 1
“Kanina ko pa napapansin na panay ang tingin sa iyo ng lalaking iyan. Mukhang malakas ang tama sa iyo ah!” nakangiting wika ni Nicole sa kaibigan. Nasa isang karinderya sila noon at kumakain ng pananghalian. Suki na sila doon dahil mula nang magsimula ang eskwela ilang linggo na ang nakalililpas ay doon na sila laging kumakain. Masarap kasi ang luto ni Aling Flor at mabait rin ito sa kanila. Sa tapat lang iyon ng eskwelahan nila.
“Grabe ka naman. Ibig sabihin, kanina mo pa rin sya tinitingnan?” tanong ni Vangie sa kaibigan sabay subo ng isang kutsarang kanin.
“Oo naman. Ang gwapo kaya. Hay naku, sana ako na lang ang tinitingnan nya.” Sagot naman ni Nicole at tila kinikilig pa.
“Pwede ba? Mag-concentrate ka na lang sa pagkain mo para naman mabusog ka at pupunta pa tayo sa library.”
“Hmp! KJ naman nito. If I know, kinikilig rin ang loka.”
“Naku, para tinignan lang, kikiligin na ako? No way!”
Matapos kumain ay tumayo na sila upang tumungo sa library. Tutulungan kasi ni Vangie ang kaibigan na mag-research para sa kanyang report. Hindi pa sila nakakalayo ay may narinig silang tinig mula sa kanilang likuran.
“Sarado pa ang library ngayon.” Sabay na lumingon ang magkaibigan. Ang lalaking nakatingin sa kanila kanina, ngayon ay nasa likuran nila.
“At paano mo naman nalaman na sa library kami pupunta?” tanong ni Vangie. Walang reaksyon ang kanyang mukha.
“Narinig kong pinag-uusapan nyo kanina bago kayo pumasok sa karinderya.” Ngumiti ito sa kanila. Lumabas ang mga biloy nito at ang magandang ngipin. Tila kumikinang ang mga mata nito. Matikas ang pangangatawan at bagay na bagay ang suot nitong polo shirt na kulay puti. Na pinarisan ng maong pants. Simple ngunit litaw na litaw ang kagwapuhan ng lalaki.
“Aba! Stalker. Hi! I’m Nicole and this is Vangie.” Nakangiting pagbati ni Nicole sa lalaki. Inabot nito ang kanyang kamay at malugod namang tinanggap iyon ng lalaki.
“I’m Richard. Richard Figueroa. Chad na lang for short.” Akmang iaabot ng lalaki ang kanyang kamay kay Vangie ngunit tiningnan lang ito ng dalaga. Waring napahiyang ibinaba ni Chad ang kamay.
“So, paano, tambay na lang muna tayo dun sa may garden?” ani Nicole nang makitang napahiya ang lalaki.
“Samahan ko na kayo. Tutal, wala naman din akong mapuntahan ngayon e. oks lang ba yun Vangie?” sabay tingin ng lalaki sa dalaga. Tumingin si Vangie kay Nicole na tila nagtatanong. Ngumiti ito sa kanya bilang pahiwatig na alam ang kanyang sinasabi.
“Well, Let’s go!” yaya ni Nicole at sumunod na sa kanya sina Vangie at Chad.
Itutuloy...


No comments:
Post a Comment