Makalipas ang tatlong araw. Araw ng Martes, alas-nueve na ng umaga…
Magulo
ang klase na kinaroroonan ni Riyanna. Ang iba ay nagkukwentuhan at
nagatatawanan, ang iba naman ay nag-gigitara, ang ilan ay nagbabasa,
mayroon ding nagbabatuhan ng nilukot na papel, si Kim ay nakasubsob sa
desk at nakapikit. Si Riyanna… nakatingin sa may bintana, hindi sya
nakikigulo sa mga kaklase. Malayo ang tingin sa labas at iniisip ang
lalake na naka-basag ng salamin ng bintana. Bigla nyang naalala si Tim,
ang naka-basag sa kanyang pagkabirhen. Nalulungkot sya at nagsisisi kung
bakit naibigay nya ang kanyang iniingatan na yaman sa lalakeng hindi
naman niya minamahal. Lalo na at ito ay nobyo pa ng kapatid nya.
Nakokonsensya si Riyanna sa kanyang nagawa nang may nakita syang bilog
na bagay na papunta sa kanyang mukha. mabilis ang paglapit nito at hindi
nya nagawang umiwas dito.
“Pok!”
Tumama sa noo ni Riyanna
ang isang nilamukos na papel. Bumalik sa sariling diwa ang dalagita at
hinanap ang pinanggalingan ng papel.
“Hey?!” Medyo malakas na boses ng dalagita.
Tumahimik ang buong klase at nagsipag-ayos ng upo. Pumasok kasi sa kanilang silid ang principal.
“Good morning, class!”
“Good morning, Ms. Moran” Sabay-sabay na sagot ng mga estudyante na nagsipagtayuan.
“Mr. Topeño won’t be able to attend the class today, well infact, never…” Malungkot na sabi ng magandang principal.
Nagulat ang mga bata at nagsimulang magbulungan. Parang napuno ng bubuyog ang klase dahil sa mahihinang salita ng mga ito.
“Quiet, class… Mr. Topeño was involved in a vehicular accident last Saturday. Let’s just all pray for his soul and his family.”
“Wait for his substitute, she’ll be here in a few minutes.” Ang sabi pa ng principal.
Tinawag ni Ms. Martina Moran si Danica na nakatayo sa may pintuan ng silid.
“Meanwhile,
class, I want you to meet a new student and your new classmate,
Danica.” Sabay pasok ng dalagita at pumunta sa harapan, nakangiti.
“She’s a transferee from another school.” Sabi ng principal na si Tina.
Tila
nagkaroon nanaman ng mga bubuyog sa loob ng silid. Ang karamihan ay
nagtitinginan kay Riyanna tapos ay kay Danica. Maging si Riyanna ay
namangha sa kanyang nakikita sa unahan ng klase.
Kamukhang-kamukha ni Riyanna si Danica! Para silang pinag-biyak na anghel. Tinanong ni Kim ang kaibigan.
“It’s like you’re staring on a mirror, huh?” Pabiro na sabi ni Kim.
“Do you know her? Do you think she’s somewhat related to you, sis?” Dugtong pa nito.
“Ewan
ko nga eh… ang nakikita ko lang na diference namin ay sa pananamit at
sa buhok. Pero aside from that, perahong-pareho kami.. kahit sa height!”
Sabi ni Riyanna kay Kim habang nakatingin pa rin kay Danica.
“Class,
I almost forgot. Kailangan natin mag-donate ng kahit na magkano para sa
family ni Mr. Topeño.” At itinuro nya ang isang babae sa unahan ng
klase para mangolekta. Matapos ang kuleksyon ay ibinigay iyon sa
principal.
“Well, thank you, class! I’ll leave you now while
waiting for your temp teacher. Have a nice day, everyone!” At lumabas na
ito sa silid.
Uupo na sana si Danica sa bandang unahan ng klase ng tinawag ito ni Kim.
“Hi, Danica! Halika! Dito ka na umupo.”
Ngumiti
naman si Danica at lumapit ito sa tumawag sa kanya. Umupo sya sa kanang
tabi ni Kim habang si Riyanna naman ay nasa kanan. Nagpakilala si Kim
at ipinakilala din nya si Riyanna. Napansin ng dalawang magkaibigan na
nagulat din si Danica nang makita si Riyanna.
“I know, para kayong twin sisters.” Sabi ni Kimberly.
“Oo nga eh…. And we’re both pretty!” Sumabat naman si Riyanna.
Natawa
si Danica at nagsimula ng magkwentuhan ang tatlo. Maya-maya ay dumating
na ang kanilang pansamantalang guro. Matapos magpakilala at
makipagkilala sa buong klase ay nagsimula na ito ng pagtuturo.
Sabay-sabay
na kumain ng pananghalian ang tatlo. Tinanong ng dalawa si Danica
tungkol sa dati nitong eskwelahan at kung paano ito nakapasok dito.
Ikinuwento naman ni Danica ang pagiging accelerated nya sa kanilang
probinsya. Sinabi rin nya na naaawa sya sa yumaong guro dahil ito ang
tumulong sa kanya para makapasok sa eskwelahan. Ikinuwento nya na ito pa
mismo ang nag examine sa kanya sa faculty room nung nakaraang linggo.
Nagkatinginan si Riyanna at Kim. May nabalitaan kasi silang tsismis na
may reputasyon nga ang guro nilang iyon na nangmolestya ito sa naunang
eskwelahan na pinagturuan nito.
Hindi naman napansin ni Danica
ang dalawa at itnuloy lang pagkain. Pagkakain ay nagpunta muna sa banyo
ang magkaibigan para mag re-touch. Hindi na sumama si Danica dahil may
aayusin pa daw sya sa gamit nya. Habang nagsusuklay si Riyanna, sinabi
nito kay Kim ang naisip nya kaninang nagkukwento si Danica sa kanila.
“Hindi kaya may ginawang kalokohan ang dalawang iyon nung ine-examine ni sir Topeño si Danica?”
“Hala! Ang dumi naman ng isip ng friend ko! Bakit mo naman nasabi ‘yun?” Sabi ni Kim.
“Gaga! Kasi hindi ko naikwento sa’yo last time ‘yung tungkol sa napanaginipan ko.”
“Alin? Iba pa ba ‘yung tungkol sa akin at kay Mina?” Tanong ni Kim.
“Oo, meron pa kasing sumunod. Ganito kasi ‘yon….” Sabi ni Riyanna.
At ikinwento nga ng dalagita ang panaginip tungkol sa sarili nya.
“So, you’re saying na si Danica ang nasa panaginip mo at akala mo lang nung una na ikaw ‘yun?” Tanong ulit ni Kim.
“Exactly
my point, sis! Dahil nga siguro kasi sa major, major resemblance naming
dalawa kaya akala ko ako ‘yung nasa pictures sa panaginip ko.” Sabi ni
Riyanna kay Kim.
“And remember ‘yung kwento nya, sa faculty room daw sya in-examine. Just like in my dream!” Si Riyanna pa rin.
“Hay! All these years na magkasama tayo, Anna, ngayon lang talaga ako na-weirdo-han sa’yo!” Sabi ni Kim.
“Yep,
and alam mo, I feel like I have a curse! Kasi lahat ng napapanaginipan
ko ay biktima ng wrong doings and molestations. At ang isa pa, namamatay
ang mga nambibiktima.” Sabi ni Riyanna habang naglalakad na sila
papunta sa klase.
“I can say na because they did something wrong,
they deserve to be punished. Pero hindi naman sa ganoon na binabawian
sila ng buhay.” Malungkot na sabi ni Riyanna.
“It’s not your
fault, Anna. Besides, hindi mo naman gusto ang mga nangyayari.” Sabay
hawak ni Kim sa balikat ni Riyanna. At pumasok na ang dalawa sa silid.
Pagkarating
ni Riyanna sa bahay ng hapon na iyon. Nadatnan niya ang ina sa sala.
Nagbihis lang sya ng damit at ikinuwento nya sa ina ang pagkamatay ng
kanilang guro at ang bago nilang kaklase na kamukhang-kamukha niya.
Dumating naman si Romina at pawis na pawis galing sa isang volleyball
game. Binati lang ni Riyanna ang kapatid at tumuloy na ito sa
pagkukwento sa ina. Pagkatapos ay sabay-sabay na silang kumain ng
hapunan.
No comments:
Post a Comment